Monday, August 7, 2017

ANO NGA BA ANG IBIG SABIHIN NG FINANCIAL LITERACY, AT ANO ANG KAHALAGAHAN NITO SA ATING MGA PILIPINO?

By: Ed Torres
August 07, 2017

Marami sa ating mga Pilipino ang maaring hindi pa masyadong nauunawaan kung ano ang Financial Literacy. Lalo na yung mga kababayan nating mga mahihirap.

Ang Financial Literacy ay ang kaalaman tungkol sa ating buhay-pinansyal, o kaalaman sa tamang paghawak ng pera, tamang pag-iipon, tamang paggastos, at kung paano mapapalago ang pera.

Ang kawalan ng kaalaman ng maraming Pilipno sa mga bagay na ito ang isang malaking dahilan kung bakit maraming Pilipino ang mahirap at lalo pang naghihirap.
Samantalang ang mga taong may alam sa Financial Literacy, gaya ng mga mayayaman, ay lalo pang yumayaman.
Yan din ang isang madalas kong marinig na hinaing ng ibang mga tao…
Bakit daw ang mga mayayaman lalong yumayaman, at silang mga mahihirap ay lalong naghihirap.
Tapos susundan ng paninisi sa gobyerno o kung sino pa man na masisisi.

Kapatid, hindi solusyon ang manisi ng ibang tao para makaahon ka sa kahirapan.
Sabi nga, walang ibang makakapagbago ng buhay mo kundi ikaw, at ikaw lang.
Hindi naman ibig sabihin nyan na hindi mo na kakailanganin ang tulong ng ibang tao.
Ulitin ko lang, kailangan mo rin ang tulong ng ibang tao, hindi ang manisi ng ibang tao.
Ibig sabihin, sayo mismo magsisimula ang paraan kung pano ka makakaahon sa kahirapan.

Kung hindi ka kikilos at patuloy mong isisisi sa gobyerno o sa ibang tao kung bakit mahirap ka pa rin ngayon, patuloy ka lang maghihirap talaga.

Ang tamang gawin mo ay umpisahan mo nang mag-isip, ngayon na, kung paano mo mababago ang buhay mo.
Kung mahirap ka sa ngayon, wag mong hayaang ganyan ka na lang habangbuhay.
Kasi kung may pamilya ka, at may mga anak ka, papayag ka ba na pati sila maghirap pa rin balang araw lalo na pag wala ka na?

Ito ang ilan sa mga maipapayo ko sayo para matuto ka ng Financial Literacy at kung gusto mong simulan ang pagbabago…

Una…
Mag-umpisa ka nang mag-ipon.
Kahit maliit lang muna kung maliit lang ang sahod mo. Kung wala ka namang trabaho, syempre naman kailangan mong maghanap. Kung ayaw mong maghanap ng trabaho, wag mo nang ituloy ang pagbabasa nito. Kasi ibig sabihin, wala kang intension na magbago dahil isa kang TAMAD. At ang katamaran ang isang pinakamalaking rason kung bakit hindi ka aasenso. Masakit, pero totoo yan.

Paano ba ang tamang pag-iipon?
Maaring marami ang nagsasabing, “Gusto ko na talaga makaipon, kaso talagang kulang pa ang kinikita ko para dyan. Ang dami ko bayarin, dami ko utang”.

Kapatid, hindi ka makakatapos sa mga utang mo kung di ka matututo na humawak ng pera.
Ang mga bayarin naman, hindi na mawawala yan habang nabubuhay ka, lalo na kung may sariling pamilya ka na.
Kailangan mo lang malaman kung pano ang tamang pagba-budget, at syempre, ang tamang disiplina sa paggastos.

Ganito ang gawin mo…
Sundin mo ang formula na ginagawa ng mga Financial Literate. Para sa kanila, medyo gasgas na ang topic na to pero napaka-effective.
Eto ang formula: 10 – 20 – 70…..explain ko sayo isa-isa…

10 – ay 10% ng sinasahod mo. Yan ang ilalagay mo sa savings mo. Pwede mo ibangko, o kung gusto mo sa alkansya mo lang. Pero mas magandang sa bangko na lang. Kasi pag nasa alkansya mo lang, pag natukso ka na kunin para lang sa di naman masyadong importanteng bagay, madali mo makukuha. Di gaya pag nasa bangko medyo maaabala ka pa kung kukunin mo. I hope nakuha mo ang point ko.

20 – ay 20% naman ng sahod mo. Yan naman ang ilalagay mo sa investment o sa negosyo. Ang ilan sa mga magandang investments ay gaya ng Stock Market, Mutual Funds, UITF, o mga Government Bonds. Kahit ang Pag-Ibig Fund at SSS may mga investment schemes na rin na ino-offer. 
Maaring hindi ka pamilyar sa mga ganitong investments. May mga gagawin din akong blogs tungkol sa mga ito pero mas maganda kung umpisahan mo nang mag-search. Marami namang information na mababasa sa internet. 
Kung wala ka namang internet, try mo sa mga library na malapit sa inyo, or manood ka ng mga programs sa TV. Maraming paraan kung gugustuhin mo.
  
Ang kagandahan sa mga investments na ganito, pwedeng maglagay ka lang ng pera tuwing sahod mo tapos may mag-aasikaso na ng pera mo para lumago. Hindi mo na kailangan ng masyadong effort. Kaya pwede to kahit sa mga OFW. Para habang OFW ka pa, may kumikita ka nang investments sa Pinas.

Kung gusto mo naman at may time ka, pwede ka sumubok ng mga traditional business kahit yung small time lang. Gaya ng pagtitinda ng kung ano-ano kahit sa harap lang ng bahay mo. Pwede ka mag buy-and-sell, o mag-offer ng mga services mo kung may skills ka gaya ng pagkukumpuni ng mga gadgets o appliances. Depende sayo kung ano ang pwede mong gawin. I hope nakuha mo yung idea.

Ang goal natin dito ay para lumago ang pera mo mula dun sa 20% na budget mo para sa investments o negosyo. Yung mga kikitain mo dito ay idadagdag mo rin sa capital mo para mas lumaki pa ang kitain mo. Compounding ang tawag dun.

70 – ay 70% ng sahod mo. Ito na ang gagamitin mo sa pambayad ng mga bills mo at pambili ng pangangailangan ng pamilya mo. Kasama na ang gastos sa pag-aaral ng mga anak mo kung meron man.

Sa ngayon, ang minimum wage sa Pinas (NCR) ay 491.00 (as of July 2017). Siguro lilinis ka ng mga 12K or 13K monthly less tax and others. Sabihin na nating 12K ang linis mo, ganito ang magiging formula mo:
10% - 1,200 – for savings
20% - 2,400 – for investments
70% -  8,400 – for bills and other needs

Kung sa palagay mo ay kulang ang 8,400 para sa mga gastusin mo, pwede mo namang gawin na 5-10-85 ang formula mo. O kaya 10-10-80. Depende sayo kung saan ka medyo makakaluwag.
Ang goal mo dito ay yung ma-achieve mo ung pangarap mo na umasenso.
Kung medyo malaki naman ang sinasahod mo, pwede mo rin lakihan yung formula mo para mas madali mong maa-achieve ang goal mo.
Tandaan mo lang, sa pag-iipon, wala sa laki o sa liit ang usapan. Ang mahalaga ay nakakapag-ipon ka. Dahil dyan na magsisimula ang pag-asenso mo.

Sigurado ako, sa loob lang ng ilang taon, masosorpresa ka at matutuwa ka sa resulta kung itutuloy mo ang sistemang ito. 

Pangalawa…
Iwasan mo na ang paggastos sa mga walang kwentang bagay at sa mga luho. Disiplinahin mo ang sarili mo sa paggastos.

Ang ilan sa mga masasamang habit ng mga mahihirap na Pinoy ay ang pagbili ng mga hindi naman talaga kailangan sa buhay.
Gaya ng pagbili ng kung ano-anong mga abubot o maliliit na bagay na kalaunan ay di naman na nagagamit.
O kaya pag nakakita ng mga sale sa mall, bibili kahit meron pa naman syang nagagamit.
Sayang daw at 50% off.
Kapatid, pag bumili ka ng 50% off, halimbawa 6,000 na cellphone naging 3,000 na lang, ang totoo nyan, hindi ka nakatipid ng 3,000, kundi gumastos ka ng 3,000 dahil bumili ka ng isang bagay na hindi mo pa naman talaga kailangan kasi nga may cellphone ka pa naman na nagagamit.
Bakit? Kasi gusto mo dalawa cellphone mo? Para saan? Para hangaan ka ng tao?
Sa palagay ko, mas hahangaan ka ng mga tao lalo na ng pamilya mo kung may I-PON ka kesa may i-PHONE ka na, may Samsung ka pa, pero marami kang utang.

Sana nakuha mo ang point ko kapatid. Wag sana sumama ang loob mo.
Ang gusto ko lang ay makatulong sayo at sa maraming mahihirap na Pilipino na mamulat sa katotohanan.
Galing din ako sa mahirap na pamilya. Kaya alam ko kung ano ang buhay mahirap.
At ayokong mamatay ng mahirap pa rin.
Ayokong maranasan ng mga anak ko ang hirap na dinanas ko noon.
Kaya gusto kong maituro din sa kanila ang kahalagahan ng Financial Literacy.
Para kahit sa mga magiging anak nila, maituro rin nila.

Sana may natutunan ka dito kapatid.

Ang iyong kaibigan,
Kuya Ed


5 comments:

  1. Slamat ..napakagandang Article Ito at May natutunan AQ 👍

    ReplyDelete
  2. True pero marami sa ating mga PILIPINO ang sarado sa koseptong ito. 😥😥😥😥

    ReplyDelete
  3. Thank you for this acrticle its a big help for me,.Godbless

    ReplyDelete
  4. salamat kuya ed sa nakakainspire momg mga mensahe

    ReplyDelete